Patuloy ang pagpapahayag ng pagmamahal at suporta ng singer na si JK Labajo para sa girlfriend at beauty queen na si Maureen Wroblewitz.

Unang nagpadala ng rosas kalakip ang note na nakasulat sa German ang musikero sa kasintahan na naging bahagi sa katatapos lang na Miss Universe Philippines pageant kung saan nagtapos ito bilang first runner-up.

Mababasa sa sulat ang: “Hallo Schatzi, Ich bin schr stolz auf dich. Du bist mein Universum. Wunsche dir alles Gute und bis bald meine Liebe. Ich liebe dich uber alles! Dein Schatzi. (Hello honey, I am very proud of you. You are my universe. Wish you all the best and see you soon my love. I love you more than anything! Your darling.)”

Matatandaang certified ‘fanboy’ si Jk noong coronation night ng pageant.

Pelikula

Sassa Gurl, proud na ibinalandra pagiging ‘mukhang pera’ sa premier night ng Balota

“Ang ganda nung taga Pangasinan na candidate sa Ms. Universe PH grabe tapos balita ko ang bait at talino pa daw jusmio,” pagpapayahag ng suporta ni Jk sa girlfriend.

“Mayghad everytime umiikot si Ms. Pangasinan umiikot din yung mundo ko,” kasunod na post nito sa kanyang social media habang nagaganap ang finals night.

Hindi man naiuwi ni Maureen ang korona, binate pa rin ni Jk ang girlfriend.

“Congratulations kay Ms. Pangasinan!!!! Ikaw pa rin ang Ms Universe ko (heart emoji).”

Stephanie Bernardino