Naghain na rin ng kanyang kandidatura sa pagka-senador si dating Senador Jose “Jinggoy” Estrada nitong Linggo, na siyang ikatlong araw nang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) para sa May 9, 2022 national and local elections.

Dahil dito, inaasahang magkakaharap muli sa eleksyon si Estrada at ang kanyang half brother na si dating Senador JV Ejercito, na naghain na rin ng kanyang COC sa pagka-senador nitong Sabado, sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa Harbor Garden Tent sa Sofitel Hotel sa Pasay City.

“Dalawang termino po tayong nanilbihan bilang senador. Doon sa labindalawang taon kong pamamalagi sa senado, nabansagan tayong isa sa pinakamasipag, ika nga one of the most prolific senators nung panahon ko," ani Jinggoy.

“Tayo nakapagtala ng kulang-kulang 600 na batas. Halos lahat sa naiakda nating bills ay naisabatas na," dagdag pa niya.

National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko

Si Estrada, na nahaharap pa sa P183-milyong plunder case dahil sa tinaguriang 'pork barrel scam,' ay tatakbo sa ilalim ng Pwersa ng Masang Pilipino (PMP), na siyang partido ng kanyangamang si dating Pangulong Joseph Ejercito Estrada.

Huli siyang nagsilbi sa pagka-senador sa loob ng dalawang termino mula 2004 hanggang 2016.

Matatandaang dati na ring nagharap sa senatorial race ang magkapatid noong 2019 ngunit kapwa sila bigong makapuwesto sa Senado.

Mary Ann Santiago