Napaiyak umano si Jane De Leon nang sa wakas ay maisukat na niya ang Darna costumes para sa gagawin niyang 'Darna: TV Series' na matagal nang naantala at inaabangan ng mga Kapamilya fans.

Ayon sa panayam kay Jane ng TV Patrol, magsisimula na ang lock-in taping sa Nobyembre kaya naman halo--halo na ang mga emosyong namamayani sa kaniya habang abala sa paghahanda para sa muling pagsasabuhay sa Pinay superhero.

Jane de Leon gears up for 'Darna' taping in November – Manila Bulletin
Jane De Leon/Larawan mula sa Manila Bulletin

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Jane de Leon – Manila Bulletin
Jane De Leon/Larawan mula sa Manila Bulletin

Village Pipol Magazine on Twitter:
Jane De Leon/Larawan mula sa Twitter/Village Pipol

Kinilabutan daw ang staff at crew nang makita siyang nakasuot ng Darna costumes.

“Grabe! Goosebumps. Naiyak ako. ‘Yung feeling na nilalagay na sa akin ‘yung headdress, grabe! Nagpapasalamat ako kay Lord na matutuloy na,” aniya.

Nagda-diet na umano siya para makaya niya ang pagsusuot ng Darna costume at magawa ang mga fighting scenes niya.

“Diet talaga ako, nagbawas ako sa carbs. Imagine one rice a day lang ako. More on compound workouts ang ginagawa namin ni coach,” ani Jane.

“Kinikilig ako na excited na kinakabahan, sa totoo lang. Iba ‘yung pakiramdam kapag malapit na, kasi malapit na talaga kami magsimula."

“Mga Kapamilya, ito na po, magsisimula na po ang Darna. Hindi na ito prank, totoo na po ito. Kaya abangan po natin!” pahayag pa ng aktres.

Malaki umano ang pasasalamat niya sa kaniyang guesting sa teleseryeng 'FPJ's Ang Probinsyano' lalo na sa direktor nitong si Coco Martin, dahil binigyan siya ng pagkakataong mahasa at maipakita ang kaniyang acting at fighting skills na kailangang-kailangan sa preparasyon niya para sa malaking proyektong ito.

Samantala, ang gaganap namang 'old Darna' na magpapasa ng bato kay Jane ay si Iza Calzado.

Pressured si Jane dahil ang dalawang markadong pagganap bilang Darna sa TV series ay sina Angel Locsin at Marian Rivera, na parehong ipinalabas sa GMA Network.