Naghain ang Manibela Partylist ng certificate of candidacy (COC) at certificate of nomination and acceptance (CONA) para sa Halalan 2022 nitong Linggo, Oktubre 3 layon ang ‘tunay’ na boses ng public utility vehicle (PUV) drivers sa Kongreso.
“Ramdam ko ang bawat hirap at hinagpis na dinaranas ng bawat isa sa atin. Ang iba tuluyan nang nawalan ng hanapbuhay at ang iba, buhay na ang nawala,” sabi ng first nominee ng Manibela na si Mario Valbuena.
Binatikos ni Valbuena si DUMPER Partylist Rep. Caludine Bautista na nagsasabing kinatawan ng sektor sa Kongreso.
“Never po namin naramdaman yung pag-represent nya sa ating transportasyon. Simula nung naupo, hindi naman po natin nakita sa ating mga kasamahan na nag-reach out,” sabi ni Valbuena.
Naunang tinira ni Valbuena si Bautista matapos ang ‘lavish’wedding sa gitna ng pandemya sa halip na tugunan ang mga hinaing ng mga PUV drivers.
Bagsak na grado naman ang binigay ni Valbuena sa Department of Transportation and Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa pagtugon nito sa pangangailangan ng PUV drivers.
Gabriela Baron