Ang pagkawala ng isang babae sa Chula Vista, California ang naging sanhi ng pagkabulabog sa mga kapulisan. Si May "Maya" Millete, 40, huling nakita noong Enero 7, 2020 bandang ala-singko ng hapon.
isang Filipina-American na anak nina Pablito Tabalanza at Noemi Tabalanza.
Dalawang araw matapos ang pagkawala ni Maya, Enero 9, ay ni-report ni Maricris Drouaillet, kapatid ni Maya, ang pagkawala nito.
Ayon kay CVPD Lt. Miriam Foxx, Enero 23 nang maglabas ang pulisya ng search warrant sa bahay ni Maya para makakuha ng ebidensya sa kung nasaan na nga ba ang Chula Vista Mom.
Matapos ang isang buwan, patuloy pa rin ang paghahanap kay Maya ngunit unti-unti na ring nawawalan ng pag-asa ang pamilya nito.
“We feel so helpless and also so desperate for answers,” ani Drouaillet sa interview sa "NBC 7." Nagpaikot na rin ng mga paskil ang pamilya nito para hanapin si Maya.
Sinabi naman ni Drouaillet na ang asawa ni Maya na si Larry Millete ay hindi na nakikipag-tulungan sa imbestigasyon ay nagsimula nang lumayo sa pamilya ni Maya.
Pebrero 5, nagmakaawa si Drouaillet sa publiko sa pagkawala ni Maya. Aniya, “I'm pleading: Anyone out there, please, anybody, somewhere, somehow might know where my sister's whereabouts. Please, bring her home… her kids, they need their mom. Please, help us find my sister. Anyone out there, if you have any information at all, please help me, help us find my sister. And from the bottom of our hearts, please, we thank you, we thank you, and we thank you.”
Sabay sa mobilisasyon sa kaso ni Maya, ibinahagi ni Drouaillet na nagkaroon ng "marital issues" si Maya at ang asawa nitong si Larry.
Ayon naman sa report na inilabas ni Foxx noong Pebrero 16, hindi na nakikipag-tulungan si Larry sa operasyon.
Tatlong buwan matapos mawala si Maya, naglabas ng report ang awtoridad na nagsasabing nagkaroon sila ng interview sa 47 na kamag-anak, kaibigan, kapit-bahay at witnesses sa pagkawala ni Maya. Mayroon ring 12 search warrants at ni-review ang lagpas 40 na tip na natanggap.
Lalong lumiliit ang pag-asa ng pamilya ni Drouaillet sa pagkawala ni Maya dahil magdiriwang na lamang si Maya ng ika-40 na kaarawan nito sa Mayo 1 ay hindi pa rin ito nakikita. Kasunod nito, Mayo 7 ay ika-apat na buwan nang pagkawala ng nasabing Chula Vista mom.
Mayo 5, nang maglabas ng Gun Violence Restraining Order ang korte laban kay Larry Milette.
Matapos ang anim na buwan na pagkawala ni Maya, pormal nang idineklara na person of interest ang asawa nitong si Larry Milette.
Ngayong taon, Setyembre 8, lumabas ang nine-page declaration si Larry sa kung bakit pinagbabawalan na niyang bumisita ang mga in-laws niya sa mga anak nila Maya.
Samantala, Setyembre 14 naman nang Temporary Gun Violence Restraining Order (GVRO) ang korte laban kay Larry.
Ayon sa huling report ng mga awtoridad noong Setyembre 22, 85 katao na ang na-interview ng pulisya tungkol sa kaso ni Maya, nagkaroon na rin ng 66 search warrants, at 128 tips ang natanggap nila. Nanatatili naman si Larry Milette ang person of interest sa kasong ito.
Hanggang ngayon, gumugulo ang imbestigasyon. Ang tanong ng taumbayan, "Nasa'n si Maya Milette?"