Hindi bababa sa apat na bahay ang partially damaged kasunod ng magnitude 5.6 na lindol sa Sablayan, Occidental Mindoro, umaga ng Linggo, Oktubre 3, ayon sa National Disaster Risk Reduction Reduction and Management Council (NDRRMC).
Sa ulat na nilabas ng NDRRMC nitong alas-singko ng hapon, ilang pader sa mga tahanan sa Barangay San Agustin ang partially damaged nang tumama ang lindol pasado alas-9 ng umaga.
“We received reports in our office that at least five houses partially collapsed in Zone, 5 Barangay San Agustin,” sabi ni Sablayan MDRRMO officer Marvin Mendoza.
Walang naitalang ulat ng casualty sap ag-uulat.
Nasa 15 katao naman ang apektado ng kanilang nawasak na mga estruktura, sa inisyal na impormasyon ng NDRRMC.
“Affected families are currently staying at their respective homes,”sabi ng NDRRMC.
Nakapagtala ang Sablayan MDRRMO ng nasa 35 magkasunod na aftershocks matapos ang lindol. Anim na dagdag na aftershocks ang naitala mula alas-2 ng hapon.
Hinikayat ni Mendoza ang mga residente na maging handa sa mga natural na sakuna kagaya ng lindol.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), tectonic ang origin ng lindol na may depth of focus 10 km.
Natukoy ang epicenter ng lindol 10 km kanluran ng Sablayan.
Nitong Setyembre 28, isang magnitude 5.7 naman ang tumama sa Looc, Occidental Mindoro kung saan pinatumba ang ilang pader ng ilang gusali at tahanan.
Martin Sadongdong