Hindi naniniwala ang Makabayan bloc sa Kamara sa pangunguna ni House Deputy Minority Leader at Bayan Muna Party-list Rep. Carlos Isagani Zarate, na magreretiro na sa pulitika si Pangulong Duterte.

Tinawagan niya ang mga Pilipino na hindi pa-hoodwink o mabola na naman ng Pangulo.

"Noong Setyembre 2015, inanunsyo niya na magreretiro na siya sa pulitika, pero hindi niya tinupad ito. Sa halip, ang mga tao ay kanyang tsinubibo nang sa mga huling sandali ay tumakbo siya sa pamamagitan ng last-minute candidacy switched,” ani Zarate.

Ang tinutukoy rito ni Zarate ay nang palitan niya sa slot ng pagka-pangulo si Barangay captain Martin Dino na tatakbo sana sa panguluhan.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

"Hindi na dapat seryosohin ng mga tao ang kanyang retirement statement; it is clearly part of the Duterte clique’s dubious scheme to hoodwink the electorate once again,” diin ng mambabatas ng Makabayan bloc.

Sinabi ni Duterte na hindi siya tatakbo sa pagka-pangulo noong 2016 ngunit iniurong niya ang candidacy for reelection sa Davao City bilang mayor, at lumahok sa presidential race bilang last-minute substitute kay Martin Diño, na standard-bearer ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban).

Samantala, sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na magtutuon na lang ngayon ng atensyon ang pangulo sa pagbabangon sa ekonomiya ng bansa na labis na pinsala ng pandemic at ikakampanya ang kanyang mga kandidato sa 2022 elections.

Bert de Guzman