Aabot na sa ₱1 bilyon ang tulong pinansyal ng gobyerno sa Cagayan province para sa mga nawalan ng trabaho pagsapit ng huling buwan ng taon.

Ito ang inihayag ngDepartment of Labor and Employment (DOLE) nitong Linggo at binanggit na ang nasabing pondo ay mula sacash-for-work aid program ng ahensya na Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD).

Sa pagtaya ng DOLE, aabot sa 198,000 na manggagawa ang makikinabang sa programa sa lalawigan.

Sinabi naman siDOLE Secretary Silvestre Bello III, malaking bagay ang nasabing pinansyal na tulong sa mga taga-Cagayan na kabilang lamang sa naapektuhan ng pandemya ng coronavirus disease 2019 sa bansa.

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!

PNA