Bumaba ang bilang ng coronavirus disease (COVID-19) admissions sa Philippine General Hospital (PGH), ayon sa spokesperson nito ngayong Linggo, Oktubre 3.

Kasalukuyang mayroong 228 COVID-19 patients o 75-80 na porsyentong occupancy rate ang PGH, bumaba ito sa dating all-time high na halos 350 na pasyente.

Sa isang panayam sa TeleRadyo, ayon kay PGH Spokesperson Dr. Jonas del Rosario na severe case ang karamihan sa mga natitirang kaso.

“Marami pa rin kaming pasyenteng [intensive care unit] set up ang kailangan. Nababawasan yung mild to moderate, marami pa ring severe. Usually ang nagiging pila pag kailangang ma-admit sa ICU," ani Del Rosario.

National

Amihan, easterlies, nakaaapekto sa bansa – PAGASA

“Generally ngayon manageable and hopefully mas bumaba pa kasi we're still operating above 200. Ang experience kapag ang pasyente sa PGH more than 200 ay talagang hindi pa rin ganun kadali yung trabaho dahil marami ka pa ring ide-deploy at nagsu-suffer po yung non-COVID operations namin," dagdag pa niya.

Karamihan sa mga nasa ICU ay mga "hindi bakunado," ayon pa kay Del Rosario. Habang ang mga vaccinated na indibidwal na nasa ICU ay mayroong comorbidities.

“Yung usual na cardiovascular factors ay they really come into play kaya napakalaking bagay na ang ating mga kababayan hindi lang po bakuna ay pang protect sa severe COVID, kundi yung ating kalusugan as a whole. Kailangan alagaan ang ating sarili," dagdag pa ng spokesperson.