Magkakabanggaan ang mag-amang sina dating Ilocos Sur governor at LMP President Luis Chavit Singson at anak niyang si outgoing governor Ryan Singson sa halalan 2022, para sa lalawigan ng Ilocos Sur.
Magsasalpukan sa pagka-bise gobernador sa lalawigan ng Ilocos Sur ang mag-ama kaya naman pinag-uusapan ito ng mga netizens.
Ayon sa ulat, Oktubre 1 pa lamang ng umaga ay nagpasa na ng kaniyang mga papeles for COC ang anak na si Gov. Ryan Singson kasama ang misis na si Patch Savellano-Singson na tatakbo namang gobernador, habang ang biyenan naman ni Gv. Ryan na si Congressman Deogracias Victor Savellano ay muling tatakbo sa pagka-kongresista ng unang distrito ng naturang lalawigan. Kasama nito ang maybahay na aktres na si Dina Bonnevie.
Sumunod namang nag-file si Narvacan Mayor Chavit para sa pagka-bise gobernador, si incumbent Vice Governor Jerry Singson sa pagiging governor, at si Ronald Singson para sa pagka-kongresista.
Para kay Chavit, hindi siya makapaniwala na matapos niyang tulungan ang anak, ay lalabanan pa siya nito.
“Si Ryan, yung anak ko, tinulungan ko noong araw hanggang three terms. Full ang suporta ko, binuild up ko siya, eh, ngayon, graduating. Hindi na siya puwedeng tumakbo. Sabi ko, ako na mag-governor muna. Nakiusap na siya ang vice governor. Titingnan ko kako kasi yung kapatid ko may isa pang term, gusto niyang palitan," ani Chavit.
Nalulungkot umano siya na matapos niyang palakihin ang anak, heto't babanggain na siya.
Hirit niya, "Ang tatay daw ang magtuturo sa anak at hindi anak ang magtuturo sa tatay. 10 lang ang utos ng Panginoon at ang ikalima, ‘Honor your mother and father.'”
Marami sa mga netizens ang bumabatikos ngayon sa pamilya Singson lalo't parang ginagawa na umanong family business ang politika.