Halos limang buwan matapos huling maglabas ng kanta ang R&B, soul singer na si Arthur Nery, muling muling nagbahagi ng kuwento ang sikat na singer-songwriter sa bagong kanta nitong 'Pagsamo' na agad nag-trending sa Youtube.
Nitong Biyernes, Oktubre 1, isang brand new release ang handog ni Nery sa kanyang fans matapos ilabas ang kantang 'Pagsamo' na parehong nagpaalala ng sakit at pag-ibig sa libu-libong fans.
Kargado ng masakit lirismo na sinabayan ng mabagal at madamdaming ritmo ng kanta, ang bagong piyesa ni Nery ay patungkol sa hinangad at pinangarap na isang tao at ang kalakip ang ideya ng pagbitaw.
Sa song credits, parehong composer at arranger ng 'Pagsamo' si Nery.
Agad namang trending ang pangmalakasang hugot sa streaming platform na Youtube; ika-9 ito sa kategoryang music mula Sabado, Oktubre 2 at umakyat sa ika-8 nitong Linggo, Oktubre 3.
Hindi maikakailang ang interpretasyon ni Nery sa kanta ang lalong nagbigay ng mas malalim na hugot dahilan para maka-relate hindi lang ang kanyang masugid na fans kundi maging ang random listeners nito.
“Ilang beses ko inulit yung kanta, yung sakit naki-ulit din,” komento ng isang netizen.
Maraming fans naman ang ginawang diary ang comment section kung saan ibinahagi nila ang ilag personal na kuwento at hugot sa kanta.
“It reminded me the pain that I've been to. Akala ko okay na 'ko pero nung napakinggan ko 'to nagunaw nanaman ako. Sobrang swerte ko sa kanya kasi all-in-one siya but because of my immaturity back then, nagpumilit akong paalisin siya and finally I can now see him smile (genuinely) because someone's already treating him fine. My greatest love is now someone else's answered prayer. I'm still here supporting him silently, praying to God na hindi na ulit niya maranasan yung pain na naiparanas ko sa kanya. Go chase that dream my engineer!”
“To the person who I used to listen to Arthur's new songs with, I hope you find someone who will support you all throughout your journey. I love you.”
Sa pag-uulat, nasa 603,582 na ang views ng lyric visualizer ng ‘Pagsamo.’
Samantala, naunang inilabas ang music video ng ‘Higa,’ isa sa mga massive hits ni Arthur, noong Setyembre 25 at #7 trending naman ito sa Youtube Music sa pag-uulat.
Nasa halos isang milyong views na ang naturang MV.
Si Nery ay sumikat kasunod ng debut album nitong “Letters Never Sent” noong 2019 na nagsilang sa mga sikat na kantang ‘Higa,’ ‘Binhi,’ Life Puzzle,’ ‘Cotton Candy’ at iba pa.