Umakyat na sa 8 ang bilang ng mga kakandidatong pangulo nitong Linggo, Oktubre 3, ikatlong araw ng paghahain ng certificates of candidacy (COC) para sa Halalan 2022.

Isang independent candidate ang naghain ng COC sa pamamagitan ng isang representative sa Sofitel sa Pasay bago ang tanghali nitong Linggo.

Nitong unang dalawang araw ng COC filing, kabilang sa mga naghain ng kanilang COC para sa posisyon sa Malacañang sina Senator Manny Pacquiao, Dave Aguila (independent), Dr. Jose C. Montemayor (DPP), Ley Ordenes (independent), Edmundo Rubi (independent), Lurencio Jun Yulaga (PGRP) at Victoriano Inte (independent).

Walang naghain ng COC bilang pangalawang pangulo nitong Linggo.

National

<b>Malacañang, nakatakdang ikasa </b><b>unang 'Vin d'Honneur' sa Enero 11</b>

Hanggang Oktubre 8 ang pagtanggap ng Comelec sa mga COCs ng kandidato.

Leslie Ann Aquino