Nasa 228 na indibidwal ang dinampot ng pulisya matapos lumabag sa umiiral na minimum health standards at safety protocols sa Taguig City, kamakailan.

Sa inilabas na kalatas ng City government nitong Linggo, patuloy na pinaalalahanan ang publiko, partikular ang mga residente na sundin ang implementasyon ng health at safety protocols sa lahat ng panahon upang makaiwas sa sakit na dulot ng COVID-19.

Ang mga nasabing naitalang quarantine violators dinampot ng mga tauhan ng Tapang Malasakit at Disiplina Team, Market Management Office, Traffic Management Office at Public Transportation Office at pakikipagtulungan ng Taguig City Police.

Pinagmulta ang mga ito upang hindi na umulit sa kanilang paglabag, ayon pa sa ulat.

Metro

Mahigit ₱27M shabu mula South Africa, nakumpiska sa NAIA

Bella Gamotea