Napilitan ang Antipolo City government na isailalim sa dalawang linggong granular lockdown ang isang residential compound matapos magpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang dalawa sa 25 na residente nito.

Sa kanyang Facebook post, binanggit ni City Mayor Andrea Bautista ang Palacol Compound na nasa Oliveros Street sa Barangay Dela Paz.

Sinimulang ipatupad ang lockdown nitong Biyernes, Oktubre 1, ayon sa alkalde.

Nakitaan na ng sintomas ang apat na pamilya sa nasabing lugar, ayon kay Bautista.

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!

Habang isinasailalim sa lockdown, bibigyan ng pamahalaan ng pagkain ang mga residente at idi-disinfect din ang kanilang lugar. Isasailalim din sa swab testing ang mga miyembro ng mga pamilya sa lugar.

Maaari lamang makipag-ugnayan ang mga residente sa pamahalaang lungsod para sa anumang tulong, simula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.

Nel Andrade