Aabot sa kabuuang₱29,328,000 halaga ng mga hindi rehistradong gamot na mula sa Hong Kong ang nasamsam ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City, kamakailan.

Sa ulat ng BOC-NAIA, anim na kargamento mula HK ang naglalaman ng 146,600 kahon ng unregistered medicines na Lianhua Qingwen Jiaonang na tradisyunal na Chinese medicines kung saan walang clearance ito mula sa Food and Drugs Administration (FDA) .

Hindi pa matunton ng mga awtoridad ang consignee o ang taong pagbabagsakan ng kargamento.

Ang mga naturang gamot ay agad na kinumpiska ng BOC dahil sa paglabag sa Property Subject to Seizure and Forfeiture in relation to Regulated Goods ng CustomsModernization and TariffAct (CMTA) at ng Foodand Drugs Act.

Metro

Mahigit ₱27M shabu mula South Africa, nakumpiska sa NAIA

Bella Gamotea