DAVAO CITY-- Naghain ng certificate of candidacy si Presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio bilang reelectionist ng lungsod ngayong Sabado, Oktubre 2.
Pormal na inihain ni Mayor Sara ang kanyang kandidatura sa Commission on Elections (Comelec) 22 office sa Ramon Magsaysay Avenue ngayong Sabado mga dakong 4:15 ng hapon.
Kung sakaling manalo muli, ito na ang kanyang ikaapat na hindi magkakasunod na termino, na unang naging alkalde noong 2010 hanggang 2013.
Si Mayor Sara ang Regional Hugpong ng Pagbabago chairperson at miyembro ng Hugpong sa Tawong Lungsod sa Davao City.
“I have been honored with the gift of trust and respect of many of our fellow Filipinos. Thank you to everyone who have expressed their support. Many of you do not know me and yet you carry me over your shoulders,” sinabi ni Mayor Sara sa kanyang Facebook page.
“Like the other millions of Filipinos, I share with you the same goal of living a peaceful and prosperous life in our country, today and in the many years to come. I call on everyone to work together for an honest, orderly, and credible elections in May 2022," dagdag pa niya.
Una nang inihayag kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte ang pagreretiro nito sa politika.
Umaasa pa rin ang mga supporters ni Mayor Sara na magbabago ang isip nito at tatakbo at pagka-pangulo sa 2022 elections.
Ivy Tejano