Imbis maghain ng kanyang certificate of candidacy (COC) sa pagka-bise presidente, sinorpresa ni Pangulong Duterte ang buong bansa nang inanunsyo niya na pagreretiro sa politika, ngayong Sabado, Oktubre 2.

Dumating ang Pangulo kasama ang kanyang long-time aide na si Senador Bong Go sa Sofitel Philippines Plaza Manila sa Pasay City mga pasado alas-3 ng hapon. Ngunit sa halip na siya, si Go ang nag-file ng COC para sa pagka-bise presidente. 

Aniya kaya umano siya nagback out dahil sa kagustuhan ng maraming tao.

“The overwhelming sentiment of the Filipino is that I am not qualified and it would be a violation of the Constitution to circumvent the law, the spirit of the Constitution,” ani Duterte.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

“And so, in obedience to the will of the people, who after all placed me in the presidency many years ago, I now say, sa mga kababayan ko, sundin ko ang gusto niyo," dagdag pa niya.

“Today, I announce my retirement from politics. Salamat po sa inyong lahat," paglalahad niya.

Nauna nang sinabi ni Duterte na tatakbo siya bilang bise presidente upang ipagpatuloy ang kanyang mga programa at dahil sa pagmamahal niya sa bansa. Tinanggap din niya ang nominasyon ng PDP-Laban para makuha ang posisyon.

Gayunpaman, pumangalawa lamang si Pangulong Duterte sa kasalukuyang Pulse Asia Vice Presidential Preference survey. Nakakuha siya ng 11 na puntos habang nakakuha naman ng 25 na puntos si Senate President Vicente Sotto III na siyang nanguna sa survey.

Argyll Geducos