BAGUIO CITY – Isang Nigerian at dalawang Pinoy na kasabwat ang natimbogng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera at Baguio City Police Office matapos mahulihan nghigh grade dried na marijuana sa Barangay Gibraltar sa nasabing lungsod, kamakailan.
Ito ang ikalimang foreigner na nahuli sa pagtutulak ng droga sa lungsod, ayon kay PDEA Regional Director Gil Castro.
Kinilala ang mga nadakip na sina Hamid Mohamed I Moustaph (HVI), 29, taga-La Trinidad, Benguet at tinaguriang high value individual (HVI), Troy Adalim Mencio Jr., 23 at Daniel Paul Emperador Castro, 25, parehong street value individual (SVI).
Narekober sa mga ito ang 14.175 gramo ng dried marijuana na nagkakahalaga ng₱20,000.00. Nasamsam din sa kanila ang buy-bust money, cellular phone at isang kotse na ginamitsa transaksyon.
Nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Zaldy Comanda