Sa pagbubukas ng buwan ng Oktubre, masaya ring binuksan ng Subcommission on Cultural Communities and Traditional Arts (SCCTA) sa ilalim ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) ang pagdiriwang ng Buwan ng Katutubong Pilipino.
Ang selebrasyon ay ayon sa Presidential Proclamation No. 1906 na pinirmahan noong 2009, kung saan ay kinikilala ang proteksyon at karapatan ng mga "Indigenous Cultural Communities/ Indigenous Peoples (ICCs/IPs)."
National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), Office of the Muslim Affairs (OMA), Commission on Higher Education (CHED), at the Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang mga ahensyang nangunguna sa pagdiriwang.
“Katutubong Filipino: Atin ang Tagumpay!” ang tema ng selebrasyon ngayon taon na kung saan ay ipinapakita ang pagkakaroon ng positibong pananaw sa gitna ng pagkakakaiba.
Narito ang ilang aktibidad alinsunod sa selebrasyon ng Buwan ng Katutubong Pilipino
October 9, 2021:
Pagpapasinaya sa Tagumpay: The Dayaw Opening Ceremony
October 17, 2021:
Dayaw sa Sebangan: The Southern Cultural Communities
October 24, 2021
Dayaw Sito Lubbon Na Unnot: The Northern Cultural Communities
October 30, 2021
Dayaw sa Butnga: The Central Cultural CommunitiesGaganapin naman ang Pinagtagumpayan o The Dayaw Closing Ceremony sa Oktubre 31, na mapapanuod sa ibat-ibang social media platforms at sa telebisyon.