CEBU CITY - Mahigit sa₱40 milyong halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa magkahiwalay na operasyon sa Lapu-Lapu City Cebu, nitong Biyernes, Oktubre 1.
Unang naaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Central Visayas si Esterlita Millanes, 40, sa Barangay Sangi, Lapu-Lapu, nitong Biyernes ng hapon.
Si Millanes ay nasa regional priority top 10 list ng PDEA, ayon sa arresting team.
Nasamsam sa kanya ang₱14 milyong halaga ng shabu.
Matapos ang isang oras, nakumpiska naman ng PDEA ang nasa₱27 milyong halaga ng shabu sa isa pang operasyon sa Brgy.Pusok, Lapu-Lapu. Dinakip sa operasyon sinaReny Dente Nabor, 48, at Rhodora Diaz Dayuha, 50.
Nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Calvin Cordova