BAGUIO CITY – Kinumpirma ni Mayor Benjamin Magalong ang kanyang muling pagkandidato para sa ikalawang termino bilang alkalde ng Summer Capital ng Pilipinas.
Inilabas ni Magalong ang pahayag na taliwas sa mga naiulat na tatakbo siyang senador sa hanay ni presidential candidate Panfilo Lacson.
“Wala na po tayong lugar sa grupo ni Lacson at ayokong iwanan ang aking lungsod ngayong panahon pa ng pandemya. Mas kailangan kong harapin ang ginawa kong pagsisikap na hindi malugmok ang siyudad laban sa COVID-19 at umaarangkada tayo kung paano ibalanse ang COVID-19 at hunger o ekonomiya sa gitna ng pandemya. Patuloy ang ginagawa nating proyekto para sa ikagaganda ng lungsod at mga programang pangkabuhayan sa hinaharap nating normal na pamumuhay,” pahayag ni Magalong.
Hindi pa isinasapublikong alkalde ang petsa ng paghahain nito ng kandidatura. Posible umanong makakatunggalini Magalong sa pagka-alkalde sinadating Mayor Mauricio Domogan at dating Vice Mayor Edison Bilog.
Zaldy Comanda