Ngayong Oktubre 1 hanggang 8, bubuksan ng Commission on Elections o Comelec ang pagpapasa ng Certificate of Candidacy (COC) para sa darating na 2022 local at national election.

Ngunit, hindi lahat ng kandidatong nagpasa ng COC ay pinalad na tumakbo sa napiling posisyon. Ito ay ayon sa Seksyon 69 ng Omnibus Election Code, ang mga tinatawag na "nuisance candidate" ay mga kandidatong nagpasa ng COC para sa intensyong:

(a) pangungutya o pagkasira ng pangalan,

(b) nagdudulot ng kalituhan sa mga botante dahil sa kaparehang pangalan sa ibang kandidato at ;

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

(c) iba pang mga pangyayari o kilos na malinaw na nagpapakita na ang kandidato ay walang balak tumakbo para sa opisina

Kilalanin ang mga kandidatong tumalbog ang pinasang COC matapos hindi ito tanggapin ng Comelec.

Theodore Aquino - Tumakbo bilang senador noong 2007 ngunit idineklarang nuisance candidate dahil sa petisyon ni dating Pangulong Benigno Aquino III, na nagsasabing siya ay nagdudulot ng kalituhan sa mga botante.

Allan Carreon - Tumakbo bilang presidente noong 2016 national elections ngunit idineklara ring nuisance candidate dahil naniniwala ito na may kakayahan siyang kausapin ang mga "extraterrestrial" na nilalang dahil siya diumano ang ambassador ng inter-galactic.

Melchor Chavez - Pinaniniwalaang tumakbo siya upang magkaroon ng kalituhan sa kandidatong si Francisco Chavez.

Rizalito David - Tatakbo dapat si David sa posisyong pagka-presidente sa ilalim ng Kapatiran Party noong 2016 national election ngunit inideklarang nuisance candidate matapos sabihin ng nasabing partido na hindi nila respresentante si David. Dagdag pa rito, napag-alaman ng Comelec na hindi sapat ang pinansyal na kakayahan ni David para suportahan ang pagtakbo nito.

Eddie Gil - Tatakbo dapat si Gil sa pagka-presidente noong 2004 ngunit napag-alaman ng Comelec na walang balak si Gil na tumkabo kaya naman idineklara siyang nuisance candidate.

Joselito Pepito Cayetano - Pinaniniwalaang tumakbo siya noong 2007 upang magkaroon ng kalituhan sa kandidatong si Alan Peter Cayetano.

Arturo Pacheco Reyes - Isa sa idineklarang nuisance candidate matapos magdeklara ng batas na magkakaroon ng four seasons (winter, spring, summer, and fall) sa Pilipinas. Ayon rin kay Reyes, siya ang magdadala sa Pilipinas sa "pangakong lupain."