Pormal nang sasabak muli si dating Senador Joseph Victor "JV" Ejercito sa Senado matapos maghain ng certificate of candidacy (COC) ngayong Sabado, Oktubre 2.

Naging senador si Ejercito simula noong 2013 hanggang 2019. Kumandidato noong 2019 midterm elections, gayunman, hindi siya nakapasok sa tinatawag na "Magic 12."

Aminado ang dating mambabatas na hindi siya handa na tumakbo para sa dalawang magkasunod na national polls noong una.

“But after giving it much thought and looking into what is happening today especially with this pandemic, I felt that it is my obligation and my duty all the more to push the Universal Health Care Law,” ayon kay Ejercito.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Kung sakaling manalo, nangako ito na titiyakin ang wastong pagpapatupad ng panukalang batas na siya ang may-akda noong nasa Senado ito.

Marami umanong isinaalang-alang si Ejercito, kabilang ang hangarin ng kanyang half-brother na Jinggoy Estrada,  na nais ding tumakbo bilang senador.

Sa kanyang COC, tatakbo si Ejercito sa ilalim ng Nationalist People's Coalition (NPC). Pinili ni Ejercito ang "Estrada" bilang alyas para sa kanyang 2022 elections ballot.

Ipinaliwanag niya na ang Estrada ay isang "brand name" na "nasa politika sa loob ng nakaraang 50 taon," aniya nakilala siya ng mga tao sa rural areas bilang JV Estrada.

“I think it’s just proper that I also use it as an alias,” ayon pa kay Ejercito.

Jhon Aldrin Casinas