Isang taga-Batangas ang naging unang milyonaryo sa lotto ngayong Oktubre, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ipinahayag ni PCSO General Manager Royina Garma, nagwagi ang nasabing mananaya ng₱8.9 milyong jackpot sa MegaLotto 6/45 na binola ng PCSO nitong Biyernes ng gabi.

Nahulaan aniya ng mapalad na mananaya ang six-digit winning combination na 09-13-29-30-10-19 sa MegaLotto 6/45 kaya’t naiuwi nito ang katumbas na jackpot prize na P8,910,000.

Nabili aniya ng lucky winner ang kanyang lucky ticket sa Malvar, Batangas.

Mary Ann Santiago

Probinsya

‘Mula noong nag-graduate ako, nagamit ko talaga yung natutunan ko—’ PBBM sa mensahe sa ‘presidential scholars’