Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 14,786 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa hanggang nitong Oktubre 2, 2021, Sabado.

Base sa case bulletin #567 na inilabas ng DOH, nabatid na dahil sa mga naturang bagong kaso ng sakit, umaabot na ngayon ang total COVID-19 cases sa bansa sa 2,580,173.

Sa naturang bilang, 5.6% o 144,061 pa ang aktibong kaso o nagpapagaling pa, kabilang ang 80.3% na mild cases, 13.4% na asymptomatic, 3.56% na moderate, 1.9% na severe at 0.8% na kritikal.

Nakapagtala rin naman ang DOH ng 894 pasyente na gumaling na dahil sa virus.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sanhi nito, umakyat na sa 2,397,456 ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 92.9% ng total cases.

Samantala, may 164 pasyente pa ang iniulat na sinawimpalad na bawian ng buhay dahil sa COVID-19.

Sa kabuuan, 38,656 na ang COVID-19 death toll sa bansa o 1.50% ng total cases.

Ayon sa DOH, mayroon ring 100 duplicates ang inalis nila mula sa total case count, kabilang dito ang 73 recoveries at isang patay.

Mayroon ring 91 kaso ang unang tinukoy bilang recoveries, ngunit kalaunan ay natuklasang namatay na pala sa pinal na balidasyon.

“All labs were operational on September 30, 2021 while 2 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Document Repository System (CDRS). Based on data in the last 14 days, the 2 non-reporting labs contribute, on average, 0.12% of samples tested and 0.05% of positive individuals,” anang DOH.

Mary Ann Santiago