Niyanig ng 4.6-magnitude na lindol ang bahagi ng Cagayan nitong Biyernes ng gabi.
Sa pahayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang epicenter ng lindol ay nasa 28 kilometers (km) northwest ng Claveria, Cagayan na naramdaman dakong 8:48 ng gabi.
Naitala naman ang Intensity III sa Pasuquin at Laoag sa Ilocos Norte, Gonzaga at Claveria sa Cagayan, Intensity II rin sa Tuguegarao City sa Cagayan at Intensity I sa Sinait, Ilocos Sur.
Tectonic ang pinagmulan ng pagyanig dahil sa paggalaw ng active fault na malapit sa lugar, ayon pa sa Phivolcs.
Ellalyn De Vera-Ruiz