Patuloy ang pagbuga ng "significant level" ng sulfur dioxide (SO2) ang Bulkang Taal dahilan para magdulot ito ng mapanganib na volcanic smog o “vog” sa paligid nito ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Sabado, Oktubre 2.
Ang vog ay may fine droplets na may volcanic gas kagaya ng sulfur dioxide na acidic at maaaring maging sanhi ng iritasyon sa mata, lalamunan at sa respiratory tract depende sa gas concentrations at sa tagal ng pagkaka-expose dito.
Ayon sa Phivolcs, nasa average 42,620 tons ang SO2 emission ng bulkan nang sukatin nitong Biyernes, Oktubre 1.
Naobserbahan din ang mga aktibidad sa main crater na dulot ng pag-angat ng mainit na volcanic fluids sa lawa dahilan para mag-generate ng plums na may taas na 2,800 meters high sa direksyong northeast at northwest.
Sa nakalipas na 24 oras, walang naitalang volcanic earthquake maliban sa low-level background tremor mula Hulyo 7.
Dahil sa mga aktibidad ng bulkan, binalaan ng Phvolcs ang mga komunidad na nakapalibot sa Taal Lake na protektahan ang mga sarili sa vog.
Sensitibo sa epekto ng vog ang mga mayroon nang kasalukuyang kondisyon kagaya ng asthma, sakit sa baga at sa puso, mga matatanda, buntis at mga bata.
Nananatiling nasa Alert Level 2 ang Bulkang Taal. Nangangahulugang maaaring mangyari ang biglaang steam- o gas-driven explosions, lindol, minor ashfall, o expulsions of volcanic gas.
Nakataas ang Alert Level 2 sa Bulkang Taal mula pa noong Hulyo 23, 2021.
Pinaalalahanan ng Phivolces ang publiko na nananatiling ipinagbabawl ang pagpasok sa isla ng Bulkang Taal lalo na sa paligid ng crater at sa Daang Kastila fissure.
Ang pagba-bangka sa Taal Lake ay pareho ring ipinagbabawal.
Ellalyn De Vera-Ruiz