Tatlong partylist aspirants ang unang nag-file ng kanilang bid sa ikalawang araw ng filing ng certificate of candidacy (COC) at certificate of nomination and acceptance (CONA) para sa May 2022 elections ngayong Sabado, Oktubre 2.

Ayon sa Commission of Elections (Comelec) ang unang nag-file ay ang APEC Partylist na sinundan ng PhilRECA at Recoboda partylists.

Nag-umpisa ang paghahain ng kandidatura nitong Oktubre 1, na mayroong 18 partylist aspirants ang opisyal na nag-file ng kanilang CONA.

Magpapatuloy ang filing ng COC at CONA para sa May 2022 elections hanggang Oktubre 8.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Jhon Aldrin Casinas