Naniniwala ang opposition coalition na 1Sambayan na iaanunsyo ni Vice President Leni Robredo ang pagtakbo nito sa pagka-presidente bago mag-Biyernes, Oktubre 8, at "major factor" umano sa kanyang pagpapasya ang kanilang pag-endorso.

“After all, ilang tulog na lang naman," pahayag ni Bro. Armin Luistro, dating education secretary at isa sa mga convernors ng 1Sambayan, hinggil sa paghihintay sa desisyon ni Robredo.

Hiniling din niya sa publiko na magpasensya habang hindi pa nakakapagdesisyon ang bise presidente kung ito ay tatakbong presidente.

“VP Leni has asked for some time and we all know the deadline is Oct 8. 1Sambayan is hopeful and confident that our endorsement of her will be a major factor in her decision but will respect her judgment on the best timing,” dagdag pa ni Luistro.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Inendorso ng coalition si Robredo bilang pambato sa pagka-pangulo nitong Huwebes, Setyembre 30, sa kabila ng pagpapatuloy ng unity talks ni Robredo sa anti-administration na mga personalidad na tatakbo para sa May 2022 elections.

Nasa Bicol si Robredo nang gawin ang pag-anunsyo. Kinumpirma ng kampo ng bise presidente na pinalipat nito ang kanyang voter's registration sa Magarao town sa Camarines Sur.

Dahil dito, naging usap-usapan na tatakbo ang bise presidente sa lokal na posisyon.

Raymund Antonio