BAGUIO CITY - Itinuturing ni Mayor Benjamin Magalong na "deadliestmonth of the pandemic" ang Setyembre matapos maitala ang 148 na namatay sa sakit sa lungsod.
Paliwanag ni Magalong, kasama na ang nasabing bilang ng binawian ng buhay sa kabuuang 7,073 na kaso ng COVID-19 sa lungsod.
Ibinatay ito ng alkalde sa datos ngdaily COVID Monitoring ng City Health Services Office (CHSO).
Sa pahayag ng CHSO, ang paglobo ng bilang ng kaso ay dulot ng community transmission ng Delta variant kung saan karamihan sa tinatamaan ay hindi pa bakunado.
Naitala ang mataas na kaso ng sakit nitong Setyembre 28 na umabot sa 331, ayon sa CHSO.
Paliwanag ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU), nasa 55 porsyento ngkaso mula Agosto 30 hanggang Setyembre 30 ay hindi pa bakunado habang 16 porsyentonaman angvaccinated batay na rin sa datos mula sa UP Baguio Mathematics and Computer Science at sa CHSO.
Karamihan naman sa pasyente ay kabilang sa 20 to 49 years old age group o kilalang mula sa economic or working group.
Karamihan din sa mga COVID-19 patients na naitala bilang severe o nasa critical condition ay nakaratay pa sa mga ospital sa lungsod.
“Vaccines may not give total protection, but some protection is better than having none at all. They give us a fighting chance against infection, severe symptoms, hospitalization, and death,” pagdidiin naman ng alkalde.
Ayon pa sa kanya, 55 porsyento ng eligible population sa lungsod ang fully vaccinated na laban sa COVID-19.
Zaldy Comanda