Instant milyonaryo ang isang parokyano ng lotto mula sa Misamis Oriental matapos na solong mapanalunan ang₱54 milyong jackpot ng Mega Lotto 6/45 na binola nitong Miyerkules ng gabi.

Sa isang paabiso, sinabi ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royina Garma na matagumpay na nahulaan ng lucky bettor ang six-digit winning combination na 14-11-03-07-10-30 kaya napanalunan nito ang jackpot prize na₱54,993,929.60.

Binili ng mananaya ang lucky ticket nito sa Cagayan de Oro City.

Upang makuha ang kanyang premyong napanalunan, pinayuhan ng opisyal ang nanalona magtungo na lamang sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City at magharap ng dalawang valid ID cards, gayundin ang kanyang winning ticket.

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!

Mary Ann Santiago