Kinumpirma ng kampo ni Vice President Leni Robredo nitong BIyernes, Oktubre 1 na nagtungo ito sa Camarines Sur upang ilipat ang kanyang voter registration.

Gayunman, ito raw ay "quick trip" lamang dahil nakabalik na sa Metro Manila si Robredo, ayon sa isang pahayag ni Office of the Vice President (OVP) spokesperson, lawyer Barry Gutierrez.

“Yes, she did so, at the advice of her lawyers who wanted consistency in her actual residence ngayon,” aniya.

May mga nakakita umano kay Robredo sa Magaraonoong Huwebes, na agad naman ding kumalat sa social media, nagbigay ito ng impresyon na hindi siya tatakbo sa pagka-presidente sa Mayo 2022.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Nauna nang sinabi ng bise presidente ang posibilidad na tumakbo siya sa pagka-gobernador sakaling hindi siya makikipagsapalaransa puwesto sa palasyo.

Binigyang-diin ni Gutierrez na wala pang desisyon si Robredo tungkol sa 2022 elections, at ang paglipat ng kanyang voter registration ay hindi nagpapahiwatig na nagdesisyon na siyang tumakbo bilang gobernador ng Camarines Sur.

“She’s been very clear that insofar as the possibility of a gubernatorial run is concerned, that has to wait for a decision on ‘yung kaniyang pagtakbo for president," ayon sa OVP spokesperson.

Ellson Quismorio