Naghain ng kandidatura si Senator Risa Hontiveros para sa pagtakbo muli nito bilang senador sa 2022 national elections, ngayong Biyernes, Oktubre 1.

Si Hontiveros ay kasalukuyang national chairperson ng Akbayan Partylist.

Sinabi niya sa mga mamamahayag na umaasa siya ng magkakaroon ng "united front" ang oposiyon para sa May 2022 elections.

“Kahit na marami na opposition ang magfile at tumakbo, umaasa ako na darating din ang sandali, kahit panahon na ng kampanya, na magbuo parin sila ng united front," aniya.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

“Bakit? Para wakasan na ang Dutertismo. Para i-ahon na talaga sa isang propisyonal at epektibong paraan ang ating bansa sa pandemya at i-ahon ang ating mga kababayan sa resesyong ito," dagdag pa niya.

Si Hontiveros ay isa sa mga kritiko ng war on drugs campaign ng Duterte Administration at muling pagpataw ng death penalty. Siya rin ang tumutol sa paglilibing sa yumaong diktador na si Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Naipasa niya ang Philippine Mental Health Law, Expanded Maternity Leave Law, Universal Healthcare Law, Safe Streets and Public Spaces Law, at ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program Law, at iba pa.

Jhon Aldrin Casinas