Simula sa Oktubre 1 ng madaling araw, suspendidomuna ang permit to carry firearms outside of residence (PTCFOR) sa buong bansa.
Ito ang inanunsyo ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) chief, Maj. Gen.Vicente Danao, Jr.
Tatagal aniya ang suspensyon hanggang Oktubre 9 bilang bahagi sa mahigpit na implementasyon ng seguridad ng Philippine National Police para sa paghahain ng certificate of candidacy o COC filing simula bukas, Oktubre 1.
Bantay-sarado naman ng mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP), PNP, Bureau of Fire Protection (BFP), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), at Philippine Coast Guard (PCG) ang bisinidad at labas ng Sofitel Hotel sa PasayCity kung saan idaraos ang COC filing.
Ipatutupad din ng PNP ang 'no fly zone' sa bisinidad ng Manila Bay na nasa likurang bahagi lamang ng naturang hotel.
Maliban sa paligid ng Sofitel, mahigpit ding babantayan ng tatlong speedboat ng PCG at Maritime Group ang Manila Bay para sa kanilang mahigpit na seguridad.
Bella Gamotea