Simula nitong Biyernes, Oktubre 1, sarado ang Nagtahan flyover sa Maynila sa mga truck sa loob ng pitong buwan upang bigyang-daan ang rehabilitasyon at pagkukumpuni dahil sa malalaking sira at mga bitak nito.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), tanging isang linya o one lane kada oras ang maookupa at ang mga light vehicles lamang ang pinapayagang dumaan sa flyover at sa Nagtahan Service Road.

Isasagawa ang konstruksyon sa mga sumusunod na segments:

Segment 1 at 2: Northbound (R. Magsaysay hanggang G. Tuazon) sa loob ng dalawang buwan, Segment 3: Southbound (G. Tuazon hangang R. Magsaysay Area) sa loob ng isa at kalahating buwan, Segment 4 at 5: Northbound (EARIST hanggang R. Magsaysay Blvd. area) sa loob ng dalawang buwan, Segment 6: Southbound (R. Magsaysay hanggang EARIST area) naman para sa isa at kalahating buwan.

Metro

Mahigit ₱27M shabu mula South Africa, nakumpiska sa NAIA

Ang mga sasakyan patungong hilaga ay inaabisuhang dumaan sa Osmeña Highway, kanan sa Quirino Avenue, kaliwa sa Quirino Ave. Ext., kaliwa sa U.N Ave., kanan sa Romualdez St., kaliwa sa  Ayala Blvd, at Roxas Blvd. hanggang sa destinasyon.

Samantala ang mga sasakyan patungong Southbound ay maaaring dumaan sa A. Bonifacio Ave., kanan sa C3, R-10, papunta sa kanilang destinasyon.

Sinabi naman ng Department of Public Works and Highways (DPWH), layunin ng pagkukumpuni na maiwasan ang anumang aksidente sa tulay na magdudulot ng peligro sa mga motorista at iba pang gumagamit ng tulay.

Inaasahang matatapos ang rehabilitasyon sa Abril 2022.

Bella Gamotea