Huhulihin na at magmumulta ang mga may-ari ng motorsiklo at iba pang uri ng sasakyan na maiingay ang tambutso sa Maynila.

Ito ay matapos pirmahan ni Manila City Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso nitong Biyernes, Oktubre 1, ang ordinansang nagbabawal sa paggamit ng modified o binagong tambutso o exhaust pipe at iba pang kahalintulad nito sa lahat ng uri ng sasakyan.

“It is the policy of the City of Manila to promote, uphold, maintain peace and preserve the peaceful environment within its territorial jurisdiction for the general welfare of its inhabitants, particularly the young and elderly,” ayon sa ordinansa.

Ipinaliwanag ng alkalde na exempted sa ordinansa ang mga sasakyang dinisensyo para sa mga“sports competition at motor shows, gayundin ang mga motorsiklong mayroong 400cc displacement at pataas."

Eleksyon

John Arcilla, naispatan bukbuking mesa sa classroom: 'Asan ang budget sa edukasyon?'

Magmumulta naman ang mga mahuhuli ng hanggang₱5,000, bukod pa ang pagkumpiska ng kanilang tambutso.

Ayon naman sa mga motorista, posibleng nakulangan ang alkalde sa kampanya ng Land Transportation Office (LTO) laban sa maiingay na tambutso, hindi lamang sa Maynila, kundi sa buong bansa.

Ang LTO ay pinamumunuan ni Assistant Secretary Edgar Galvante.

Andrea Aro at Rommel Tabbad