Limang indibidwal na ang naghain ng kanilang certificate of candidacy sa pagka-pangulo para sa May 2022 polls ngayong Biyernes, Oktubre 1.

As of 12 P.M., base sa listahan na ibinigay ng Commission on Elections (Comelec) kabila sa mga naghain ay sina Senador Manny Pacquiao, Dave Aguila, Dr. Jose C. Montemayor, Ley Ordenas, at Edmundo Rubi.

Para sa Bise Presidente: Buhay Partylist Rep. Lito Atienza

Para sa Senador: Lutgardo Barbo, Loren Legarda, Chiz Escudero, Abner Afuang, Bay Maylanie Esmael, Norman Marquez, Bertito Del Mundo, at Risa Hontiveros.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Para sa Partylist: Agap Partylist, Kabayan Partylist, An Waray (to return), DIWA, Pilipinas para sa Pinoy, Alona, Democratic Workers Assoc, Toda, CANCER, People’s Volunteer Against illegal Drugs, Patriotic Coalition of Marginalized Nationals, INC (1-PACMAN).

Isinasagawa sa Harbour Garden Tent ng Sofitel sa Pasay City ang filing ng COCs at certificate of nomination and acceptance (CONA) para sa national positions.

Nakatakda ang filing ng COC simula Oktubre 1 hanggang Oktubre 8, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

Leslie Ann Aquino