Hindi sang-ayon si Pangulong Rodrigo Duterte sa booster shots o ikatlong pagtuturok ng bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa prerecorded Talk to the People, ipinahayag ng Pangulo na nababahala ito dahil ilang bakunado ang hindi nakukuntento at nais pang magpaturok ng ikatlo.

Mapanganib aniya ang maramihang pagtuturo ng bakuna laban sa virus, lalo na sa mga bakunado.

“You know, there are people really who are not contented orhindi sila kampante sasecond or third [Covid-19 vaccine] shot,” Duterte said. “It is not good. ‘Yung iba kasi, nagpapa-ano eh, segurista. But any doctor will tell you that it is bad. Bad as bad.Biruin mo, i-inject moang marami," paliwanag ng Pangulo.

Eleksyon

Ipe, suportado ng mag-inang Honeylet, Kitty

Sapat na aniya ang dalawang beses na pagbabakuna dahil hindi naman umano katumbas ng booster shot ang pagkakaroon ng buong proteksyon sa virus.

“Tama na ‘yang dalawang doses, huwag ninyong sobrahan. Delikado.“Merong iba, maysecond, third, fourth, fifth.Hindi naman kailangan. And it does not add really to the full protection of your body. You can even get contaminated again," pahayag ni Duterte.

“Alam mo,when you do that, a multiple (doses),hindi ka magsabi ng totoo, you deprive your countrymen, the others na hindi pa sa isang bakuna na maibigay doon sa kapwa mo tao,” dagdag pa ng Pangulo.

PNA