Nakapagtala ang Pilipinas ng 15,566 na bagong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) ngayong Biyernes, Oktubre 1, ayon sa Department of Health. 

Umabot na sa 2,565,487 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa, base sa huling case bulletin ng DOH.

Nasa 5.1 na porsyento o 130,268 ang aktibong kaso. Sa naturang bilang, 77 na porsyento ang mild symptoms, 15 na porsyento ang asymptomatic, 3.97 na porsyento ang nasa moderate condition, 2.1 na porsyento naman sa severe symptoms, at 0.9 na porsyento ang nasa kritikal na kondisyon. 

Anang DOH, “the number of severe and critical cases, as with the asymptomatic, mild, and moderate, also rise as the number of COVID-19 cases increased.”

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nakapagtala naman ng 199 na namatay sa sakit sanhi upang umabot sa 38,493 ang kabuuang bilang ng mga namatay sa bansa. 

Gayunman, umabot na sa 2,396,726 ang kabuuang bilang ng mga gumaling na pasyente matapos makapagtala ng 23,483 na recoveries.

Analou de Vera