Hinimok ng isang opisyal ng Commission on Elections (Comelec) ang mga bagong voter registrants na iwasan ang last minute registration dahil nagpasya ang poll body na palawigin ang voter registration simula Oktubre 11 hanggang 30.

Ang desisyon ng Comelec na palawigin ang voter registration dahil sa kahilingan ng publiko, ayon kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon.

“Kaya nga po nag-extend kami, kahit napakahirap para sa mga tao namin, pero kailangan ninyo kaya sana naman po huwag na silang maghintay ng last minute na naman," ani Guanzon sa isang panayam sa radyo nitong Biyernes, Oktubre 1.

Ayon pa kay Guanzon, nasa 62 milyon na ang mga nakapagparehistro.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Batanes

“May seven million pa po na deactivated voters—yung mga hindi bumoto sa dalawang magkasunod na eleksyon, kailangan mag reactivate kayo," sinabi ni Guanzon.

“‘Yung inyong reactivation eh sa email na lang. Pati ‘yung inyong pagsusumpa, nasa video na rin," dagdag pa niya.

Ayon sa Comelec bukas ang mga opisina nito para sa mga magpaparehistro simula Lunes hanggang Biyernes, 8 a.m. hanggang 5 p.m.

Walang magaganap na voter registration tuwing Sabado maliban sa Oktubre 30.

Analou de Vera