Hinikayat ng Commission on Elections (Comelec) ang mga kandidatong nagsipaghain na ng certificate of candidacy (COC) para sa Halalan 2022 na iwasang masangkot sa maagang pangangampanya.

“I would discourage that because that can be considered as premature campaigning,” ani Comelec Spokesperson James Jimenezsa isang panayam sa isang programa sa telebisyon.

“We all know that it is premature since the campaign period has not yet started,”idinagdag niya.

Gayunpaman, inamin ng Comelec na walang legal na prohibisyon laban sa “premature campaign.”

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Sa ilalim ng Poll Automation Law, “any person who files his certificate of candidacy shall only be considered as a candidate at the start of the campaign period.”

 Dagdag nito, nagiging “unlawful acts” lang ang ilang aktibidad ng kandidato kung ito’y ginawa sa loob ng campaign period.

Ang kaso ni Penera vs. Comelec sa Korte Suprema noong 2009 ang nag-udyok sa pagkakatanggal ng “premature campaigning” bilang isang election offense.

Nakatakdang maghain ng COCs ang mga local at national posts aspirants mula Oktubre 1-8, 2021.

Magsisimula naman ang campaign period mula Pebrero 8 hanggang Mayo 7, 2021.

Leslie Ann Aquino