Asahan na ngayong buwan ang ipatutupad na malakihang pagtaas ng Liquefied Petroleum Gas (LPG).

Sa abiso ng mga kumpanya ng langis, mula ₱80.85 hanggang ₱81.40 ang ipapatong sa presyo ng kada 11 kilogram na tangke ng LPG.

Paliwanag ng mga ito, ang idadagdag na mula ₱7.35 hanggang ₱7.40 na bawat kilo ng LPG ay ipatutupad ngayong buwan.

Nauna nang inihayag ng Department of Energy na ang nasabing pagdadagdag ng presyo ay bunsod na rin sa pabagu-bagong palitan ng piso kontra dolyar.

National

DOJ Sec. Remulla, ‘nawe-weirdan’ sa isinampang reklamo ni Sen. Imee