Limang piling ospital sa Metro Manila ang pagdarausan ng pilot children vaccination.
Ito ang inihayag ni National Task Force (NTF) against COVID-19 chief implementer Secretary Carlito Galvez Jr. kamakailan.
Una nang inanunsyo ng Department of Health na sisimulan nila ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga bata na may comorbidity o kapamilya ng isang healthcare worker.
Kabilang sa mga tinukoy na ospital sa pilot vaccination ay ang Philippine Heart Center, National Children’s Hospital, Philippine General Hospital at dalawa iba pa na gumagamot sa mga bata na may comorbidities.