Maghihintay pa ng dalawang linggo ang tatlo sa walong basketbolistang Pinoy na kinuha bilang Asian import para sa Japan B. League upang makalaro sa liga dahil sa mahigpit na ipinaiiral na quarantine protocols.

Ang tinutukoy na tatlong manlalaro na sina Dwight Ramos, Javi Gomez de Liaño at Kemark Cariño ay kamakailan lamang umalis ng bansa at dahil sa mahigpit na inbound arrival policies ng Japan kaya inaasahang may dalawang laro silang hindi mami-miss.

Tiyak namang matutunghayan ng mga Pinoy fan ang limang mga Filipino imports na nauna ng dumating sa Japan na sina Thirdy at Kiefer Ravena, Bobby Ray Parks Jr., Kobe Paras at Juan Gomez de Liaño.

Nitong nakaraang Martes, Setyembre 28 ay umalis patungong Japan si Ramos na nakatakdang lumaro sa Toyama Grouses.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ayon naman sa isang source, kaaalis pa lamang ng bansa ni Gomez de Liaño na lalaro sa Ibaraki Robots habang si Cariño na kinuha ng Aomori Wats ay noong Martes lamang din umalis papuntang Japan.

Unang lalaro ngayon, Oktubre 2, Sabado si Paras ganap na 1:05 ng hapon sa pagsalang ng kanyang koponang Niigata Albirex BB kontra Kyoto Hannaryz na susundan ng agad na tapatan ng magkapatid na Ravena dakong 4:05 ng hapon sa pagtutuos ng koponan ni Thirdy na San-en NeoPhoenix at ng koponan ni Kiefer na Shiga Lakestars.

Ganap na 5:00 naman ng hapon sasalang ang koponan ni Juan Gomez de Liaño sa Division 2 team na Earthfriends Tokyo Z kontra Kagawa Five Arrows, gayundin si Parks na lalarosa Nagoya Diamond Dolphins kontra Sun Rockers Shibuya, dakong 5:05 ng hapon.

Marivic Awitan