MT. PROVINCE - Dalawang pinaghihinalaang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang napatay ng mga tauhan Philippine Army (PA) sa sagupaan sa Bontoc, kamakailan.
Sa ulat ng 5th Infantry Division (ID) ng PA, nakatanggap sila ng impormasyon na namataan sa lugar ang ilang rebelde kaya agad nanagresponde angmga tauhan ng 72nd Division Reconnaissance Company.
Nakasagupa ng mga sundalo ang tinatayang aabot sa 10 miyembro ng Komiteng Larangang Gerilya Abra-Mountain Province-Ilocos Sur (KLG AMPIS) sa Barangay Mainit, nitong Setyembre 28.
Matapos umano ang 30 minuto, umatras ang mga rebelde at iniwan ang dalawang kasamahan na napatay.
Kinilala ng militar ang dalawa na sinaErnesto Lucaben Jr., alyas Ashley/Lando, at Wilfredo Gaayon, alyas Jaz.
Narekober ng mga sundalo ang isang M14 rifle, limang magazine ng M14 rifle na may 70 bala, tatlong AK79 rifle magazine na may 20 bala, siyam na anti-personnel mines, dalawang blasting caps, wires, gamot at iba pang personal na kagamitan.
Zaldy Comanda