Nasabat ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at pulisya ang aabot sa ₱1.21 bilyong halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust operation sa Bacoor, Cavite nitong Biyernes ng madaling araw na ikinaaresto ng tatlong umano'y big-time drug pusher.

Kinilala ng PDEA ang mga suspek na sinaJorlan San Jose, 26; Joseph Maurin, 38; at Joan Lumanog, 27, pawang taga-Dominorig Talatag,Bukidnon.

Sa report ng PDEA, ang tatlo ay inaresto sa loob ng isang subdibisyon sa Brgy. Molino 3, dakong 6:40 ng umaga matapos nilang bentahan ang isang poseur buyer.

Aabot sa 149 gramo ng shabu, marked money at isang cellular phone ang nasamsam sa mga ito.

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang kaso upang matukoy ang supplier ng mga ito.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).