Opisyal na inendorso ng opposition coalition 1Sambayan nitong Huwebes, Setyembre 30 si Vice President Leni Robredo bilang kanilang presidential bet para sa darating na eleksyon sa 2022.

Ayon kay retired Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio, lead convenor ng 1Sambayan, nanalo si Robredo sa botohan noong general assembly ng 1Sambayan.

“1Sambayan is pleased to announce to the nation that it has reached a decision to endorse Vice President Leni Robredo for the May 2022 elections,” ayon kay Carpio sa isang virtual media briefing.

“We have chosen VP Leni. We, therefore, ask VP Leni to accept our endorsement and to lead the Filipino people in these difficult times in our history,” dagdag pa niya.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

SInabi ng retired magistrate na ang nominasyon ay base sa maraming pamantayan kabilang ang integrity, competence, track record, patriotism, vision for the country, at winnability.

“1Sambayan followed a rigorous process in reaching its decision. We consulted our local and foreign chapters, as well as our coalition partners who, together, reach 3 million members,” ayon kay Carpio.

Kaugnay nito, hindi pa nakakapagdesisyon si Robredo kung siya ba ay tatakbo sa pagka-pangulo sa susunod na taon.

Nauna na rin niyang sinabi na binibigyan pa niya ng oras ang kanyang sarili hanggang Oktubre 8, na kung saan ito ang huling araw ng paghahain ng Certificate of Candidacy (COC).

Raymund Antonio