Usap-usapan ngayon sa social media ang ibinahaging TikTok video ng camouflage artist na si Goldie Yabes, kung saan makikita ang nakapaninindig-balahibong karanasan niya habang nagme-make up sa harapan mismo ng kinatatakutang Laperal White House sa Baguio City

Habang pinipintahan ang kanyang mukha para sa gagawing camouflage art, bigla umanong hinangin ang kanyang buhok saka gumalaw ang camera na ginagamit niyang pang-video. Kitang-kita sa video na nagulat siya sa mga nangyari.

Lalo pa siyang nahindik nang pag-uwi niya ng bahay, nagulat siya nang makita ang mga kalmot sa kanyang likod.

"This is my experience sa Laperal White House. Opo, yung Haunted House dito sa Baguio. I think some of you already saw this video on TikTok, but I'll just share it here on FB para sama-sama na po tayong matakot opo" ani Goldie.

BALITAnaw

#BALITAnaw: Mga sikat na personalidad na sumakabilang-buhay ngayong 2024

May be an image of outdoors
Larawan mula sa TikTok/Goldie Yabes

May be an image of text
Larawan mula sa TikTok/Goldie Yabes

May be an image of text
Larawan mula sa TikTok/Goldie Yabes

Hindi naman umano siya namimilit sa mga tao na paniwalaan siya. Sila na lamang umano ang humusga batay sa video na kaniyang ibinahagi.

Ang Laperal Mansion ay isa sa pinaka-haunted na bahay sa Pilipinas. Itinayo ito noong 1920 ng pamilya ni Don Roberto Laperal.

Noong World War II ay ginawa umano itong garrison ng mga Hapon kung saan marami ang pinahirapan at pinatay, kabilang ang mga kapamilya ni Don Roberto.

Ilan sa mga umano'y nagpapakita rito ang batang babae na nakaupo sa hagdan sa harap ng bahay at babae na nakasilip sa bintana.

Sa kasalukuyan, isang art house na ang Laperal White House kung saan nakalagak ang Ifugao Bamboo Carving Gallery.

Panoorin ang TikTok video via YouTube channel ni Goldie Yabes: