Malaki ang pasasalamat ng isang Senior High School teacher na si Ma'am Sweetsel Baldonado Balbuena-Villanueva mula sa Tagum City Davao del Norte, sa naka-engkuwentrong delivery rider na si Ronilo Obregon, 43 anyos, ng kompanyang 'Ninja Van Philippines' dahil iginiit nito sa kaniya na baka 'scammed' ang parcel na nai-deliver nito sa kaniya.

"Umorder po kasi ako ng undergarments sa isang store na nakita ko sa Instagram, tapos noong nadeliver na, sinabi ni Kuya na parang masyadong magaan yung parcel, na parang walang laman," ani Ma'am Sweetsel sa panayam ng Balita Online.

Hindi nga nagkamali ang delivery rider dahil buksan na nila ang parcel, walang laman ito. Nang tanungin ni Ma'am Sweetsel ang pinagbilhan, naka-blocked na umano siya. Mabuti na lamang umano at 'matinik' at street smart ang naturang delivery rider.

Mabuti na lamang at naging maagap ang naturang delivery rider at hindi natuloy ang pagbabayad niya ng ₱1,400.

Human-Interest

Una at pinakabatang Pinoy na nakalibot sa buong mundo, may payo sa future travelers: 'Learn Skills!'

“Actually, dalawang item yung dineliver nila. Ibang client din yung isa. Dalawa sana kami na mai-scam tapos sabi ni Kuya, magkaparehas lang daw yung seller na walang exact details,” pagbabahagi pa niya.

“Sana dumami pa ang mga taong kagaya niya. I know God will repay his kindness tenfold," mensahe ng guro.

May be an image of 2 people

May mensahe naman siya ng pasasalamat para sa delivery rider na si Ronilo Obregon, na may pagmamalasakit sa kaniyang mga customers sa pagtupad sa kaniyang trabaho.

“Kuya Rider, maraming salamat po sa pag-save sa akin sa scammer po. Sana po ay ipagpatuloy n'yo po ang inyong kabutihan at malasakit sa kapwa. God bless you po! Napakasuwerte po ng company ninyo sa inyo kasi ikaw mismo po ang nagbi-build ng name na pagkatiwalaan po kayo. Kudos Kuya!”

At may mensahe naman siya sa mga kapwa niya online buyers.

"Maging masuri po sa mga binibili. Hindi ibig sabihin na naka-sponsored post 'yan ay legit na po 'yan. Kasi after nila i-scam po tayo, hindi na po natin sila ma-contact kasi naka-block na po tayo. Hindi basta-basta magtiwala sa mapanlinlang na reviews kasi sila rin mismo gumagawa niyan."

Magsilbing babala umano ang kaniyang karanasan sa iba pang mga online buyers at delivery riders.