KALINGA - Patay ang isang finance officer ng isang lending company matapos barilin ng dalawang holdaper sa Tabuk City, nitong Martes ng hapon.

Dead on arrival sa ospital ang biktimang siRyan Christopher Subac, 23, tubong Gonzaga, Cagayan at finance officer ng isang lending firm na nakabase sa Bulanao ng nasabing lungsod, dahil sa mga tama ng bala sa iba't ibang bahagi ng katawan.

Sa police report, naningil ang biktima sa mga pinautangan ng kanilang kumpanyasa lungsod at nang pabalik na ng kanilang opisina ay biglang hinarang ng dalawang lalaki at pinagbabaril ito sa provincial road sa Barangay Cabaruan.

Tumilapon ang biktima sa palayan kung saan ito natagpuan ng nagrespondengmga tauhan ng Tabuk City Police.

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!

Tinangay ng mga suspek ang bag ng biktima na naglalaman ng pera.

Apat na basyo ng bala ng Cal. 45 pistol ang narekober ng pulisya sa pinangyarihan ng insidente.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang kaso.

Zaldy Comanda